Swimming with Mermaid Kat

A mermaid that cares for the ocean. Last July 24th of 2013, nag-meet kami ni Kat. Chos!

She came here para tulungan kaming mas maintindihan ang kahalagahan ng karagatan.
Nagsagawa sila ng clean-up drive sa ilang beaches dito sa cebu.
Nag-photoshoot din sila kasama ang isa sa mga professional diver ng Cebu na si Gadie.

http://www.cebubarkada.com
Caption: Gadie, a diver from Cebu City.

Napaka-cool lang na babae. Not to mention, siya ay naging Miss Germany International 2006 at Queen of the World Germany 2007. Ang bongga lang ni ate, diba? And wait there’s more! Cool din yung full back tattoo n’ya ng mga mermaids. Masasabi mo talagang into mermaiding sya. Mermaiding is like freediving with a monofin or with a mermaid tail.

http://www.cebubarkada.com
Caption: Mermaid Kat

http://www.cebubarkada.com
Caption: Mermaid Tattoo 😀

Nalaman kong mahigit kumulang sa 74 million sharks ang namamatay every year. Takot tayo sa shark, I know. Dahil ito sa mga napapanood natin sa mga movies. Pero nalaman ko sa kanya na hindi naman talaga natin dapat katakutan ‘yung mga sharks. May recorded lang na about 10 fatal shark attacks every year worldwide. Mas marami pa ang namamatay sa rabies kaysa sa sharks.

Nalaman ko rin na maraming basura ang palutang-lutang lang sa Pacific at Atlantic Ocean. Sa dami nito, tinatayang kasinlaki ito ng Texas at makikita mo ito kahit nasa outerspace ka. Sinabi n’ya rin na ang dalawang cigarette butts, kapag hinalo sa isang litrong tubig, lahat ng nasa tubig ay mamamatay. Effective kaya itong pamatay ng mga kiti-kiti? LOL

http://www.cebubarkada.com
Caption: Ayokong mag surf sa basura. Photo Credits to www.pixoto.com

Maraming mga sea creatures ang namamatay dahil sa mga plastic. Aakalain nilang ito ay isang jelly fish lalo na dun sa mga transparent na mga plastic na kadalasang ginagamit ng mga karinderya para lagyan ng mga take out na ulam. Sa susunod na bibili ako ng ulam sa karenderya, magdadala na ako ng lalagyan.

Gusto nyang iparating sa atin ang kahalagahan ng dagat. Dahil kung patay na ang lahat ng mga nilalang sa dagat, or literally patay na ang dagat, mamamatay na rin tayong mga tao. Karamihan ng tubig sa mundo ay nanggagaling sa dagat. Ang mga freshwater natin ay napupunta sa dagat at nag-eevaporate at nagiging ulan pabalik sa mga kabundukan.

Ito nga pala yung mensahe n’ya para sa lahat. Hindi ko na memorize lahat kaya ‘eto lang ang masheshare ko:

Una, never use plastic.
Pangalawa, don’t buy things you don’t need.
At marami pang iba.

Naiintindihan ko ang kanyang mga gustong ipahiwatig dahil mahilig din ako sa dagat. Nagfi-freedive din ako (poser mode), nagsusurf (poser mode part 2) at nag-e-snorkel. Mahilig din ako sa sea foods. Kaya naman kapag nasa dagat ako, lahat ng bagay na dinala namin sa beach ay dadalhin namin pabalik sa mga bahay namin. Same sa bundok.

http://www.cebubarkada.com
Caption: Me and Mermaid Kat

Para sa lahat. Huwag sana nating hayaang maging disyerto ang ating karagatan o maging tambakan ng basura. Ang basura ay dapat nire-recycle at hindi tinatapon kung saan-saan. Kung ayaw natin magtapon ng basura, iwasan nalang nating bumili ng mga bagay na hindi natin kailangan. Iwasan nating gumamit ng plastic. Hanggat maaari, magdala tayo ng mga re-usable na mga lalagyan tulad ng mga tumbler, mugs or tupperwares.

Magtulungan tayo para mapanatili nating malinis ang mga lugar na malinis at linisin natin ang lugar na dapat linisin. Simulan natin ito sa ating sarili. Remember (char), lahat ng pagbabago ay nagsisimula sa atin. Reduce, Reuse, Recycle.

Help save the oceans, help save the world!


About Author:

Niiru Ebrada
niirue@gmail.com
I love to travel, do extreme, read books, watch movies, eat and sleep. I write becuase i want to express what i feel and what my opinions are about the things around me. I want to live simply and keep on travelling by feet or by any means. My name is Bulingit from katolfeet.blogspot.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Prove that you are a human *

Scroll To Top